Sabado, Oktubre 24, 2015


Kahirapan, paano malulutas?
Ang kahirapan ay isa sa pinaka mabigat na problema ng Pilipinas. Kahirapan sa ating bansa ay patuloy na lumalala at tumitindi. Bakit ba dumaranas ang ating bansa ng kahirapan? Korapsyon at katamaran ang mga dahilan ng kahirapan. Korupsyon, ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan. Dahil sa korupsyon nahihirapan ang bansa upang umunlad. Imbis na mapunta ang mga binabayad na buwis ng mga mamamayan sa mga proyekto na pampagawa at pampaayos ng mga paaralan, kalsada, at iba pa ay napupunta lamang ito sa mga bulsa ng mga namamahala ng pera.  Hindi napupunta sa maayos ang pera na pinaghihirapan ng mamamayan. Mga lingkod para sa bayan, oo sabihin natin na madami yan ngunit ang kadalasan ay sa una lang yan. Nasan ang mga pinangako? Hanggang pangako na lang ba? Puro plano na lang? Wala ng aksyon?

Katamaran ay isa sa dahilan ng kahirapan. 
"Ok na yan"  ang karaniwang sinasabi ng mga tao. Walang tyaga sa paghahanap ng mga posibleng paraan upang maiangat ang buhay. Binabalewala ang mga oportunidad upang mag-aral o mag trabaho. Sinasayang ang oras sa mga bagay na wala naman kahihinantnan. Kuntento na sa "Ganyan talaga, Ok na to". Kahit sa pag-aaral umiiral din ang katamaran kaya karamihan ay hindi nakakapagtapos o di kaya naman ay pabalik- balik sa kanilang lebel. Makalipas ang panahon sinisisi ay ang gobyerno dahil hindi makakuha ng maayos na trabaho. E ang dami daming trabaho na nakalaan sadya lang talagang “choosy” ang ibang mga Pilipino, ano na? Gusto ng trabahong pampropesyonal, hindi naman mag-aral ng maayos. Sa bandang huli pagsisisihan natin ang mga oportunidad na ating sinayang gaya ng pag-aaral.  





May pag-asa pa bang makabangon ang mga tao sa kahirapan? Ang sagot ay nakadepende kung magbabago tayo para sa ating ikabubuti. Maging responsable sa buhay, at maging disiplinado, Ngunit uunahin ay ang sarili na ayusin. Mag-aral tayo ng mabuti. Pagdating ng panahon ay tayo din ang makikinabang ng mga bagay na ating pinaghihirapan ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento